Magkabiyak Na Puso Para sa Panginoon
This entry was posted on Tuesday, January 13th, 2009
Mula sa isang mag-asawa na miyembro ng smallgroup
(From a couple attending a smallgroup)
Malapit na ang birthday ng husband. Kadalasan, dahil maaga silang dumadating bago mag-service pag linggo, umiikot muna sila sa Abenson at laging sinisilip ng lalaki yung gustong-gusto niyang flat screen.
Iyong wife nagtanong sa brother-in-law kung ano ang pwedeng i-surprise para sa husband niya. Nalaman ng wife iyong tungkol sa flat screen. Naramdaman ng husband na iyon ang surprise sa kanya. Kinausap niya yung wife niya at sinabihan na “kung ano yung surprise mo wag na lang.” Meron palang dealing si Lord sa kanya at iyong balak ibigay ni misis sabi niya ibigay na lang sa Lord para sa Project Mosaic.
Actualy, hindi iyon ang first time na ginawa nila iyon.
Konting background sa kanila: na-holdap sa kanilang negosyo, maraming nawala, daming problema kasi iyong negosyo risky talaga. Ang husband, bago pa lang sa pananampalataya. Iyong wife ang nag-akay sa husband. Isa sa fear ng wife ay baka magtanong ang husband niya kung bakit kung kailan pa naging Christian duon pa dumami ang problema. Pero lumalalim sila sa relasyon sa Panginoon. At ang nakakatuwa, iyong husband, talagang looking forward sa smallgroup(SG) meetings. Dati ang araw na iyon ang drinking session niya. Pero ngayon, yung SG ang kanyang dahilan kaya me valid excuse na daw siya di sumama sa inuman.
Nung minsang umakyat sila ng wife niya sa Prayer Mountain, pareho silang kinaugnay ni Lord. Pareho silang kinausap ng Lord kahit magka-iba sila ng prayer cell. Nag-iipon sila para sa kanilang first baby – pareho silang nag-iipon pero magkahiwalay. Sa Prayer Mountain, kinausap ng husband iyong wife niya at sinabi nga na may dealing siya from the Lord na ibigay iyong savings para sa bata sa Project Mosaic. Ang naging sagot nung wife,“Hon, ako din. Iyan din ang dealing ng Lord sa akin.” Pinag-isa ng Lord ang puso’t isip nila. Ipinagkatiwala nila sa Lord ang kanilang first baby dahil alam nilang ang Panginoon ang mangangalaga sa pamilya nila.
Print this page
Leave a Reply
We would love to hear your lifewalk with God through Project Mosaic. Share your story in document format through our email HisMosaicStories@projectmosaic.info. Feel free to include your photos too. :)