"He who can see the invisible can do the impossible." - Frank Gaines

What's your story?

About Us

Why the new Mosaic Lounge and Auditorium?

From Toxic to Sobrang Blessed

This entry was posted on Wednesday, September 26th, 2007

Hi po! Mary Joshua N. Delfin po. I would like to share the Mosaic Journey Walk-Jog-Run experience with the Lord. To back track a little — I remember po when the burden to take part sa pag-build ng Mosaic Lounge was passed on to us sa Youth noon; we were all so excited and we saw God answer our prayers. From that building of Mosaic Lounge, marami pong kabataan ang nakaranas ng turning point po nila sa kanilang walk with the Lord. Sa kasalukuyan, sila po ngayon ay ginagamit na po ng Panginoon sa kanyang mga gawain sa Young Adults, sa Worship Team, as prayer warriors, Small G roup (SG) hosts and sa full-time ministry. Dahil po ito sa prayers po ng marami for the next generation at patuloy na pag-move ng bawat isa with the cloud of glory. Grabe po yung nagawa ng pag-sacrifice, willingness at kabasagan ng puso ng mga youth po before para sa Youth Hub. Sobra lang po akong nagpapasalamat kasi po nung nalaman ko that the Lord will give us another place that’s bigger, yung para bang may sarili na rin po tayong Crossroad sa Makati. I mean po yung itatayo wherein pwede maging bahagi ang new batch of youth, young adults, small groups.

Excited po ako dahil kung paano pinalipad ng Panginoon ang mga buhay ng maraming kabataan before sa pagtayo ng Mosaic Lounge ay alam ko po na mangyayari po ulit yun at mas hihigitan pa ng Lord and by this time po kasama po ang mga young adults, SG at ang buong pamilya natin sa Bread of Life (BOL). Expectant po yung heart ko po in prayer sa movement po na ito. Grabe po sobrang nag-uumapaw po ang puso ko nung narinig ko po na magbubukas po tayo ng mga teams sabi po ni Sir Elder Arnel. Nag-join po ako ng Nehemiah Team kasi po I’m excited to witness the sovereign power of God that His grace will keep us were He leads us.

That’s the intro, now the real story po. Yung third week po ng March, sobrang toxic para sa aming lahat kasi sunod-sunod yung mga gawain. Personally po, toxic din kasi sa akin kasi kasabay rin yung first quarter ending po namin sa trabaho. Sunday po we had a small group meeting with Coach Ime. Monday, we had In the Zone and afterwards ay nagkaroon kami ng meeting with the Program Team para po sa OOMPH that Friday. Tuesday, we went to Crossroad to attend the film appreciation para sa Clash of the Unbound. Wednesday, after ng ReSoul, may SG po. Thursday, we had a practice for sketch sa OOMPH. And Friday is the day ng OOMPH. After that, we still went to Crossroad para po ibalik yung mga gamit na hiniram po namin from Dreams Department. Nakauwi na po ako mga past 2 am and March 24 na po ito. Sobrang nagdasal lang po ako sa Lord na sana po magising po ako at makatakbo at bigyan lang po kami nila Ana, JD at ako ng strength para po makaya na bumangon at tumakbo. Todo na ito! Karagdagang lakas din po para kay Ate Grets at Emy. Isang linggo po kami pare-pareho na hindi masyadong maaga matulog. Hehehehe. Sobra lang po akong nagpapasalamat at nahihiya po kay Lord kasi po puro tanggap na lang po ang ginagawa ko po mula sa Kanya. Ultimo po lakas ko sa pagtakbo at pag-gising po ay ibibigay pa Niya para may pang-offer din sa Kanya. Nais ko pong mag-sorry kasi po na-late po ako at mga 6:30 am na po ako nakarating sa Ultra. Pero nais ko pong magpasalamat sa mga taong nagdasal po sa ating lahat kasi po sa sobrang pagod ko po hindi ko na po kayang bumangon, huhuhuhu. Nagising po ako ng 10 to 6 am dahil lang narinig ko po yung ring ng cell phone ko po. Sobrang nagulat po ako kasi po I received 24 missed calls, yung huling tawag po dun na po ako nagising.

On my way pa lang po ako, sobra na po akong naiiyak. Tinawagan po ako ni Ate Nona, kasama po niya si Ate Joyce kasi po nagusap po kami na sasabay ko po sila papuntang Ultra at magkikita po kami ng 5 am at ang ganda ko po kasi hindi ako nagising sa tawag nila, sorry po. Si Emy po yung huling-huling tawag at dun ako nagising at sobra lang akong thankful sa Lord through Emy kasi sabi niya sa akin, “Ate Mary, bumangon ka na at wag ka nang maligo. Nandun na daw po sila,” at sobrang nagpalit na po me ng damit at dumerecho na dun. Ang problema po hindi ko po masyadong kabisado papuntang Ultra. Tinawagan po ako ni Ate Carmen at tinuro po sa akin yung daan pero medyo naligaw po ako, hehehe. On my way, bumili pa po ako ng battery at tinawagan ko po si Ate Lana at sabi po niya sa akin na nakaka-dalawang laps na po siya. Sobrang hiyang-hiya po ako sa Lord at sa lahat sa kanila kasi po ako po dapat ang magli-lead ng stretching. Huhuhu. Pag dating ko po dun nakangiti po sila lahat sa akin habang ako po sa loob ko ay nahihiya at nanghihina na. Huhuhu. Lahat po sila mukhang nakaikot na ng marami at ako po super magsisimula pa lang. Naiiyak na po ako pagsimula kong tumakbo kasi nanghihina na po ako at medyo nahihilo. Nung pag-ikot ko po ng pangalawang lap, nahihirapan na po akong huminga at gusto ko na pong maglakad kagaya po ng ginagawa po ng iba. Kaya lang po naisip ko po na pagtumigil ako sa pagtakbo at maglakad na lang, sobra po ako lalong mahihirapan at mas lalo pong delikado kasi po mawawala po yung momentum.

Sobrang serious po ako at wala po akong masyadong dinadaldal po nun kasi po I’m saving my remaining energy for running. I just smiled to the cheerleadedun rs every time I pass through. I just prayed while running and I said na, “Lord, sobrang grace Niyo lang po kapag nakaya ko po hanggang five laps kasi po nako-constipate pa po ako. Hehehe. Feeling ko po sasabog na yung mukha ko at sabi ko po, “I won’t give anything to the Lord that will cause me nothing.” Kaya I just kept on smiling and focusing on HIM.

Nung binilang ko po yung mga straws na nakasabit po sa leeg ko po ay natuwa po ako at naka-10 laps na po pala ako. Pero mahaba pa po ang oras at wala pang sacrifice dun sharing pa lang yun kasi po hindi pa po masakit at medyo kaya ko pa at warmed up na po yung katawan ko. Basta po after ko pong magpray, while jogging, bigla na lang pong sumigla yung katawan ko na parang nakatulog po ako ng maraming gabi. Hehehe. And sobrang thank you po at sobrang encouraged po ako sa mga SG members, mommies and BOL families po na nandun at nag-cheer for us. They were all singing “Go Nehemiah Go!” And I was also cheering up each member po ng Nehemiah na kasabay ko pong tumatakbo. We’re encouraging one another. Sobrang overflowing with joy po yung nararamdaman ko po. Yung presence po ng Family po sobra ko lang po naramdaman na sa personal life ko bihira ko lang pong maramdaman. I thank God that He allowed me to be part of His BOL family. Sobra pong support lalung-lalo na yung nagbibigay po ng water and food for us. Sobra po, thank you. Nung hindi ko na po nakaya yung pag-jog, nag-sprint na po ako at pagkatapos po nag-walk na po ako at binilang ko po yung mga straws ko po and I ended up finishing 27 lapses. WOW! Praise GOD and thank you Lord, only For Him Alone, all Honor and Glory! Si Lord na po talaga yun kahit po ako nagulat nung pagbilang ko ng straws. Ang naisip ko lang habang tumatakbo for God, next generation and for us all. Kakaisip nun nawala po yung focus ko dun sa mga hirap na nararamdaman ko.

Sobra rin po akong namamangha at nabe-bless kasi po yung mga pinag-pledge ko po sa akin ay puros Young Adults, mga tatlo po dun ang hindi. Hehehehe. Nakakatuwa po kasi nung pinasusulat ko pa lang po sila at kinukwento kung para saan po yung pledges nila sobra lang po sila nae-excite na magiging bigger place na yung OOMPH namin at yung Mosaic Lounge ay lalaki na! Hehehehe. Gusto nga rin po nilang tumakbo. Sabi ko po next time and they’re looking forward po doon. I just told them po na ipagdasal po nila kung how much or kung paanong ways po yung ini-impress sa kanila ni Lord na itaya. Nakakatuwa po Sunday, April 1st po, kalahati pa lang po yung nagbibigay pero po nakapag-remit po tayo ng P19,200 as of Sunday. Meron pa po sa Wednesday. Nakakatuwa po marami po sa kanila minimum pledge P100 at tinodo na binigay 27 lapses kaya P 2,700 po yun, at naiiyak po ako habang nagbibigay sila ng pledge kasi po mga nakangiti po sila at excited at sobrang tuwang-tuwa po. Meron pong nagbigay P3,000, bali 30 laps po yun. Sabi po ng isang young adult na nagbigay, sobrang grateful lang sya kay Lord. Sa totoo lang po ako po yung nabe-bless sa kanila. Naisip ko po kung hindi ako na-late sana naitodo ko pa po para kay Lord. Ang iba po sa kanila out of town kasi ngayon kaya hindi pa po complete yung remittances. Excited and expectant lang po yung heart ko that the Lord will give a Second Wind for the Young Adults just like what happened before sa Mosaic Lounge kaya po nakwento ko po yun sa first part. I prayed po na hindi yung amount ang maisip nila pero nawa dinurog po ni Lord ang mga puso nila as they take part and I’m looking forward po sa mga mangyayari sa buhay nila. Our leaders would always remind us that it’s not the sacrifice that we give that is important but what the sacrifices do to our lives. Nawa po maging daan po ito to revive the spirit and busy lives of our young adults for our God and country. Please keep the children, youth and young adults in our prayers. Sabi nga po nung 007, more needs, more faith and more miracles. Thank you po, Lord. Grabe po excited po ako to hear and read other stories po. More to come. Hehehehe.

Lastly po, sa personal life ko po, the journey is not easy but the Lord encourages me to keep on trusting and waiting kasi po sa work ko po pinagpapala din po Niya ako. Yung sales ko po for the month of March eh naging maganda rin po. Sobrang pagbibigay po ang ginagawa ng Panginoon at alam ko po dapat ko rin po itong ipasa. Malayo pa po ang tatakbuhin ko at malayo pa rin po ako, but I will never give up because the Lord is always with us and He gave me a family in the church who never gives up their Faith in praying. Maraming maraming salamat po.


Print this page

Leave a Reply

We would love to hear your lifewalk with God through Project Mosaic. Share your story in document format through our email HisMosaicStories@projectmosaic.info. Feel free to include your photos too. :)

 

DISCLAIMER: All rights reserved. No part of this work may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the written consent of the owner. © Copyright 2008 Bread of Life Makati.